Bilang pakikiisa sa adhikain ng "Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program" ng DILG, naging matagumpay ang mga isinagawang clean-up drive o paglilinis ng iba't-ibang barangay sa bayan ng Santa Magdalena na pinangunahan ng mga aktibong opisyales, street sweepers at iba pang mga miyembro o grupo na nagpakita ng pagmamahal at malasakit sa kalikasan nitong ika-6 ng Enero, 2023.
Matatandaang nitong nakaraang linggo ay inilabas ng DILG ang Memorandum Circular No. 2024-001 "KALINISAN SA BAGONG PILIPINAS PROGRAM" na naglalayon na magkaroon ng mas malinis at maayos na Bagong Pilipinas.
Malinis na Bayan para sa Bagong Pilipinas!
Visit the following links below:
Facebook page: https://www.facebook.com/profile.php?id=61555389357045
Website: https://www.stamagdalena.gov.ph/
LGU-Facebook Page: https://www.facebook.com/stamagdalena
Photos courtesy to the owner
コメント