ANO ANG AFRICAN SWINE FEVER (ASF)?
Ang African Swine Fever virus ay isang sakit na mabilis kumalat sa mga kapwa baboy. Ilan sa sintomas nito ang LAGNAT, PULANG PANTAL SA KATAWAN, AT PAGDURUGO NG INTERNAL ORGAN na ikamamatay ng baboy sa loob ng dalawa hanggang 10 araw.
Wala itong lunas at walang vaccine. Dahil sa sobrang nakakahawa, madalas pinapatay lahat ng baboy kung saan nanggaling ang unang baboy na may ASF.
Walang banta sa buhay ng tao ang African swine fever pero paalala ng mga awtoridad, dapat malinis ang paghanda at pagluto sa karne.
Maaaring kumalat ang ASF virus sa paghawak sa patay o buhay na baboy na may ASF. Maaari ding mabuhay ang virus sa basura, damit, sapatos o sa kuto.
Delikado ang ASF dahil maaari itong ikamatay ng maraming baboy at ikalugi ng industriya.
Infographics by ABS-CBN News Source: Department of Agriculture - Philippines World Organization for Animal Health
Comments